Friday, 16 October 2020

RD CORPORATION

 

RD CORPORATION was incorporated only in 1999 and is now the holding and management company of the RD Group of Companies, a family-controlled conglomerate founded and managed by RODRIGO E. RIVERA, SR., its President & Chief Executive Officer. He is ably assisted by his wife, DOLORES C. RIVERA, who is Executive Vice President & Treasurer.

From a humble pawnshop in 1976 in General Santos City, Phil., the GROUP now consist of 40 subsidiaries and major divisions engaged in various ventures in Fishing, Agri-business, Manufacturing, Processing, Banking, Pawning, Insurance, Real Estate Development, Hotels and Retailing of Hardware and Fishing Supplies,mainly operating in the Philippines and now also in Papua New Guinea and Indonesia.

Truly remarkable and unique in the field of business, RD is also strong in its commitment to minister to the spiritual needs of its people and the community. RD Group now employs around 11,000 associates.

Description: https://www.fis.com/fis/gif/companies/puntoverde2.jpg Subsidiaries:

Description: https://www.fis.com/fis/gif/flags/16/pg.pngRD Tuna Canners Ltd.
Description: https://www.fis.com/fis/gif/flags/16/ph.png
RD Fishing Industry Inc.
Description: https://www.fis.com/fis/gif/flags/16/ph.png
Philbest Canning Corporation
Description: https://www.fis.com/fis/gif/flags/16/ph.png
RDEX Food International Philippines, Inc
Description: https://www.fis.com/fis/gif/flags/16/ph.png
RD Tuna Ventures Inc.
Description: https://www.fis.com/fis/gif/flags/16/ph.png
Asia Pacific Allied Fishing Ventures Corp
Description: https://www.fis.com/fis/gif/flags/16/ph.png
GSMWI -GenSan Shipyard and Machine Works Inc-

 

COMPANY PROFILE

RD’s story began with a pawnshop business in General Santos City in year 1976 by founder and CEO Rodrigo E. Rivera, Sr. and his wife Dolores. Sixteen years later in 1999, RD Corporation (RDC) was established as a holding company. Since its establishment, RD Corporation has become one of the fastest growing conglomerates in the country.  To date it has rapidly expanded to 43 subsidiaries and 12 affiliates. These new companies and business ventures were born out of the need of a sister company making RD Corporation, by and large, an integrated conglomerate.

RDC continually professionalized and enhanced its controls and systems. In 2005 it created the Audit Committee and People Management Committee.  Currently, RDC has established presence in various industries and geographical locations within the country and overseas. Today, RD Corp is engaged in fishing, ship building and repair, manufacturing, aquaculture and processing, finance, agri-business, hotels and resorts, retail and realty development operating all over the Philippines, Southeast Asia, Melanesia, and other parts of the world like Europe and United States.

RD Corporation as a formidable management team providing a cohesive linkage for RD Group of Companies is continually advancing to cope with the changing business landscape and the evolving needs and demands of its stakeholders – the stockholders, Board of Directors, subsidiaries and affiliates, employees and society in general.

Vision

A dynamic, diversified, and socially responsible global conglomerate, providing excellent products and services guided by the highest standards of competence, integrity, and strong faith.

Mission

We exist for our customers, employees, stockholders, and the communities; and glorify God in everything we do.  Thus, we:

  • Provide an array of creative, innovative products and services, and strive to foster and maintain long-term customer relationship founded on mutual trust and confidence;
  • Recognize and reward excellence, promote the well-being and uphold the dignity of our employees;
  • Exercise prudent management of resources and consistently generate high returns for our stockholders; and
  • Fulfill our social responsibility as a worthy corporate citizen by uplifting the quality of life in the communities where we work and serve.

 

Corporate Social Responsibility

RD Foundation conducts community based skills training

RD Foundation conducts “HANDOG KALUSUGAN” Medical Mission

RD Foundation donates classroom

 

Revenue

$12.80 Million

 

Owner: Rodrigo e. rivera sr.

As a leader

Rudy is a man who goes from vision to vision. What has started as a solitary pawnshop has grown to be a global conglomerate. Providing quality products and delivering excellent services by highly competent and motivated people with good moral values is his dream. Sustaining and expanding his organization through the next generations in the likes of Kikoman, Ayala, and Aboitiz is his passion. And giving God all the glory and the honor is his commitment.


A multi-awarded businessman, the most important of which was the Entrepreneur of the Year Award by Ernst and Young in 2005, and recognized for his contribution to the economy of the nation by providing job opportunities and employment and earning dollars for the country, he is a man worth emulating.  Highly respected in Papua New Guinea as a man of integrity, he was appointed by the government of PNG as honorary Consul General in the Philippines.

 

In 1999, Mr. Rivera was named the Outstanding Countryside Investor of the Year as well as one of the Top 20 Employers. He was appointed as Papua New Guinea Honorary Consul General for Mindanao in 2001 and received the Rajah Award of Excellence in 2004.

 RD Tuna is one of the most admired companies in Papua New Guinea, and my colleagues and I are proud of being part of the company.

 

Strat plan – ang ginakuha lang nila na isda kay tong mga dagko. Pag gamay pa gina balik nila sa dagat.

                Effect- so lisod siya mag isda. So miskan unsa pa daw kalisod they will always choose the right way and not the easy way.

They track fish through birds tapos nay mga look outs sa birds and fish.

Tapos mabilisang kilos sa paghuli ng isda kay naa jud chance na maka hawa ang isda nagaangisda sila sa western and central pacific ocean.

 

Process mgmnt – they make sure to have full control in their manufacturing process.

                Fish kay ginaclassify, weighed, and stored to preserve the quality

                Each processing plant ky may cooling facility

                They export locally and internationally

                They continually innovate their quality process and sustainable practices.

                They use the latest technologies which makes them a trusted tuna processor.

 

Customer and market focus – they make sure that their manufacturing processes are operated to the highest international health safety and qty standard as expected by their customers

                Certified by the highest quality accreditations

They also  make sure to contribute a sustainable future for their customers and employees and the next generation.

 

Rd corp holds fast to its vision of creating a sustainable future for a better planet, better industry, and better families

 

Workforce mngmnt – they prioritize employees safety, health and welfare and prohibit any form of actions violating intl labor standards.

 

 

Thursday, 17 October 2019

Ang Kalupi - Suriing Basa


Ang kalupi ni Benjamin Pascual- suriing basa. May akda; Tauhan; Tagpuan; Gitna; Wakas; Mga Aral




Thursday, October 17, 2019 || Aron Armada; Patricia Bensorto



Ang Kalupi



May akda: Benjamin Pascual
          Siya ay ipinanganak sa Lungsod ng Laoag, Ilocos Norte. Isa siyang kuwentista at nobelista. Marami na siyang naisulat na maikling kuwento sa wikang Ilokano at nakasulat na rin ng dalawang nobela sa wikang ito. Naisalin niya sa wikang Ilokano ang Rubaiyat ni Omar Khayam. Magkasama sila ni Jose Bragado na nag-edit ng Pamulinawen, isang antolohiya ng mga tula ng 36 na makatang Ilokano. Siya ang Tagapayong Legal ng GUMIL, Metro Manila.


  A.   Tauhan

 Aling Marta- siya ay isang ina na hangad lamang ay makapaghanda ng selebrasyon para sa kanyang anak na magtatapos ng hayskul. Ngunit siya ay mapanghusgang tao, sinungaling, mainitin ang ulo at nagmamarunong pa kaysa sa mga polisya.

       Andres Reyes- Siya ang batang napagbintangan na magnanakaw. Siya ay isang mahirap, walang pinag-aralan at walang permanenteng tirahan.

        Dalagang Anak ni Aling Marta- siya ang selebrante na pinaghahandaan na selebrasyon ni Aling Marta dahil siya ay magtatapos ng hayskul.

         Mga Pulis- sila ang nagimbestiga sa kaganapan.

        Asawa ni Aling Marta- Siya ang kumuha ng pitaka ni Aling Marta ng walang paalam. Siya ay matiyagang nagtratrabaho para sa kanilang pamilya dahil siya ang Ama ng tahanan.

    Aling Godyang- siya ang inutangan ni Aling Marta para makabili ng panghanda. Siya ay isang tindera.


    B.  Tagpuan

Palengke ng tondo- kung saan namimili si Aling Marta

bahay nila Aling Marta- isang barung-barong na tinitirhan ng pamilya nila Aling Marta.

kalsada malapit sa outpost- kung saan kinausap ng pulis si andres at ang lugar kung saan namatay ang bata.


C.   Banghay

          Panimula
Masaya ang araw na yon dahil magtatapos na sa hayskul ang anak ni Aling Marta. Kaya siya ay naghanda para sa kanilang selebrasyon. Habang si Aling Marta ay namamalengke, biglang nawala ang kanyang pitaka, at sa paghinalang ito’y dinukot ni Andres na isang batang mahirap at gusgusin.


Gitna

     Saglit na kasiglahan
             Nabuhayan ng loob si Aling Marta nang makita niya ang pinaghihinalaang batang lalaki at tinulungan siya ng mga pulis.

      Kasukdulan
              Sinaktan ni Aling Marta si Andres dahil hindi ito umaamin na siya ang dumukotsa pera at si Andres ay pumipiglas upang ito ay makawala. Nang makahanap ng tiempo, tumakbo ang si Andres at siyay nabundol. Hanggang sa huling hininga nito ay sinabi niyang malinis ang kanyang konsensya at hindi siya ang dumukot ng pitaka.

 Kakalasan
        Hindi nakaimik si Aling Marta, hindi makapaniwala at siyay nababahala sa kahinatnan ng nangyari.


 Wakas
     Siya ay nangutang kaya Aling Godyang ng sa gayon ay makabili ng panghanda. Pagkauwi niya sa kanilang bahay, laking pagtataka ng kanyang asawa at anak kung saan ito nakuha an gang pambili kung naiwan naman nito ang kanyang pitaka sa bahay.


Tunggalian

   Tao laban sa tao- dahil pinapakita sa kwento kung paano pagbintagan at saktan ni Aling Marta si Andres. Si Andres na wala naman talagang ginawang masama at malinis ang konsensya.

     Tao laban sa lipunan- makikita sa kwento kung gaano kahirap para kay Andres na paniwalaan agad ng mga tao na hindi niya talaga ninakaw ang pitaka. Dahil sa kanyang estado sa buhay at kalagayan, hinuhusgahan na agad siya ng lipunan.


D.  Teoryang Pampanitikan

Teoryang Realismo- dahil ang kwento ay nagpapakita rin kung ano ang nangyayari sa totong buhay. Pinapakita sa kwento ang ilang mga bagay o sitwasyon na nararanasan ng mga taong kagaya ni Andres. Mahirap kunin ang hustisya at hindi agad naniniwala ang mga tao sa kanya.

Teoryang Siko-Analitikal- dahil aminin man natin o hindi, may pagkakataon din na hindi natin maiwasan mag-isip o manghusga ng ibang tao dahil sa kanilang kalagayan sa buhay. Pinapapakita sa kuwneto kung paano mag-isip ang mga tao na nakakaangat sa buhay, sa kapwa taong mahirap ang estado sa buhay. Kagaya na lamang ni Aling Marta kay Andres na nag-isip agad ng masama dahilan upang humantong ito sa hindi kanais-nais na pangyayari.

Teoryang Humanismo- nakapokus rin ang kwento sa tao. Pinapakita sa kwento kung ano ang mga katangian, kakayahan ng tao, kung paano mag-isip mga tao. Kagaya nalamang kina Aling Marta at Andres.


E. Napulot na Aral
                    Ang aking natutunan ay hindi dapat manghusga agad ng tao dahil lang sa sila ay mahirap at madungis.  Hindi sapat na basehan ang kaanyuan ng tao para sila ay husgahan agad. Hindi naman lahat ng tao na walang pinag-aralan at mahirap ay gumagawa na ng immoral na mga bagay para lang makakain. Magtanong muna at hayaan ang awtoridad na gawin ang kanilang trabaho, huwag magmamarunong. Tandaan, truth will always prevail.

Isang Daang Damit - Suriing Basa


Isaang Daang Damit ni Fanny Garcia- suriing basa. May akda; Tauhan; Tagpuan; Gitna; Wakas; Mga Aral


Thursday, October 17, 2019 || Patricia Bensorto 



↣ Isang Daang Damit ↢




May akda: Fanny Garcia
Ipinanganak noong Pebrero 26, 1949 sa Malabon, Rizal na ngayon ay Malabon City. Siya ay isang  guro, manunulat, mananaliksik, editor, at tagapag- salin. Nagtapos siya sa University of the Philippines-Diliman. Isa rin siyang premyadong manunulat sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature sa mga kategoryang maikling kwento, sanaysay, iskrip, at kuwentong pambata. May labindalawa na siyang libro kasama na ang bersyong Ingles na "Journeys with My Autistic Son (2009)." Sa kasalukuyan (2012), nagtuturo siya sa De La Salle University-Manila at sa University of the Philippines-Diliman. Nakapagturo na rin siya noon sa Philippine Science High School.


    A. Tauhan

Batang babae- Siya ang batang babae na binubully ng kanyang mga kaklase dahil sa kanyang pananamit na luma at sa kanyang pagkain na kakarampot lamang.

Mga kaklase ng Batang Babae- Sila ang mga bata na nambubully at matapobre.

Ina ng batang babae- siya ang ilaw ng tahanan at nagcomfort sa kanyang anak na babae.


    B.   Tagpuan
Sa eskwelahan at sa bahay ng batang babae.


    C.   Banghay

      Panimula
  Sa isang eskwelahan, mayroong isang batang babae na napakatahimik. Nakaupo lamang ito sa sulok, mahiyain na parati lang nakayuko, walang kaibigan dahil walang gustong makipagkaibigan, nagsasalita lamang kapag ito’y tinawag ng kanyang guro. Ito ay sa kadahilanang siya ay parating tinutukso ng kanyang mga kaklase dahil sa kanyang pagiging mahirap. Ang batang babae  ay nakasuot lamang ng lumang damit at ang kanyang kinakain ay tinapay lamang.


          Gitna

                   Saglit na kasiglahan
 Sa murang edad, maaga niyang natuklasan na kakaiba ang kanyang kalagayan kaysa sa kanyang mga kaklase.

                   Kasukdulan
 Isang araw biglang nagkatinig ang batang babae. Siya ay naging palasalita at nawala na ang kanyang pagiging mahiyain. Pinagmamalaki niya na mayroon siyang isang daang damit. Ito ay sari-saring damit. Mayroon pambahay, pantulog, pampaaralan, pansimbahan, at iba pa. Noong una hindi naniniwala ang kanyang mga kaklase. Humaba ang kanyang pagkwekwento tungkol sa kanyang mga damit at sa huli ay napaniwala niya ito hanggang sa naging kaibigan niya ang mga ito.

                   Kakalasan
 Isang araw hindi na pumasok ang batang babae hanggang sa mga sumusunod na araw at umabot pa ng lingo. Nagtataka sabay na pag-aalala ang kanyang mga kaklase at guro.


          Wakas
Nagpasya sila na puntahan sa kanilang bahay ang batang babae. Bumungad sa kanila ang batang babaeng payat na may sakit at ang ina nitong mahirap. Pumasok sila sa luma at sira-sirang bahay ng batang babae at doon nila natagpuan ang isang daang damit ng batang babae na kanyang kinukwento at pinagmamalaki sa kanila. Isang daang damit na nakadrawing lang pala sa isang papel at nakadikit sa dingding.


Tunggalian

           Tao laban sa tao- pinapakita sa kwento kung paano tratuhin ang batang babae ng kanyang mga kaklase. Siya ay parating nilalait dahil siya ay mahirap lamang at parating suot ang luma na damit.


D.  Teoryang Pampanitikan

          Teroyang Marxismo- pinapakita sa kwento ang pagkakaiba ng mayayaman sa mahihirap. Katulad na lamang sa kwento na ang mga mayayaman ay nakasuot ng mga magaganda at mamahaling damit. Samantala ang mga mahihirap ay nakasuot lamang ng lumang damit. Ang mga mayayaman rin ay nakakain ng masasarap na pagkain, samantala ang mahihirap ay kakarampot na tinapay lang ang kinakain.

       Teoryang Realismo- pinapakita sa kwento kung paano rin mamuhay ang mga mayayaman at mahihirap sa totoong buhay.

         Teoryang Klasismo - pinapakita rin sa kwento ang ibat-ibang uri ng tao. Na sa mundong ito ay mayroong mahihirap at mga mayayaman.


E. Napulot na Aral
          Maging totoo sa sarili at sa kapwa. Hindi natin kailangan iplease ang ibang tao upang tayo ay matanggap nila, at mas lalong hindi natin kailangan magsinungaling para tayo ay matanggap nila. Hindi rin dapat manukso o manlait sa ibang tao porket ikaw ay mas nakakaangat sa buhay at sila ay mahirap lamang. Hindi dapat tayo mang-apak at manliit ng ibang tao dahil sa kanilang kalagayan. Hindi rin dapat tayo mandiri sa kanila dahil tao rin sila at nasasaktan din. Bagamat atin silang tulungan at unawain sa kanilang sitwasyon. Kung wala ka namang magandang sasabihin, tumahimik ka nalang.