Isaang Daang Damit ni Fanny Garcia- suriing basa. May akda; Tauhan; Tagpuan; Gitna; Wakas; Mga Aral
Thursday, October 17, 2019 || Patricia Bensorto
↣ Isang Daang Damit ↢
May akda: Fanny Garcia
Ipinanganak noong Pebrero 26, 1949 sa Malabon,
Rizal na ngayon ay Malabon City. Siya ay isang
guro, manunulat, mananaliksik, editor, at tagapag- salin. Nagtapos siya
sa University of the Philippines-Diliman. Isa rin siyang premyadong manunulat
sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature sa mga kategoryang maikling
kwento, sanaysay, iskrip, at kuwentong pambata. May labindalawa na siyang libro
kasama na ang bersyong Ingles na "Journeys with My Autistic Son (2009)."
Sa kasalukuyan (2012), nagtuturo siya sa De La Salle University-Manila at sa
University of the Philippines-Diliman. Nakapagturo na rin siya noon sa
Philippine Science High School.
A. Tauhan
Batang babae- Siya
ang batang babae na binubully ng kanyang mga kaklase dahil sa kanyang pananamit
na luma at sa kanyang pagkain na kakarampot lamang.
Mga kaklase ng Batang
Babae- Sila ang mga bata na nambubully at
matapobre.
Ina ng batang babae-
siya ang ilaw ng tahanan at nagcomfort sa kanyang anak na babae.
B.
Tagpuan
Sa eskwelahan at sa bahay ng
batang babae.
C. Banghay
Panimula
Sa
isang eskwelahan, mayroong isang batang babae na napakatahimik. Nakaupo lamang
ito sa sulok, mahiyain na parati lang nakayuko, walang kaibigan dahil walang gustong
makipagkaibigan, nagsasalita lamang kapag ito’y tinawag ng kanyang guro. Ito ay
sa kadahilanang siya ay parating tinutukso ng kanyang mga kaklase dahil sa
kanyang pagiging mahirap. Ang batang babae
ay nakasuot lamang ng lumang damit at ang kanyang kinakain ay tinapay
lamang.
Gitna
Saglit na kasiglahan
Sa murang
edad, maaga niyang natuklasan na kakaiba ang kanyang kalagayan kaysa sa kanyang
mga kaklase.
Kasukdulan
Isang araw
biglang nagkatinig ang batang babae. Siya ay naging palasalita at nawala na ang
kanyang pagiging mahiyain. Pinagmamalaki niya na mayroon siyang isang daang
damit. Ito ay sari-saring damit. Mayroon pambahay, pantulog, pampaaralan,
pansimbahan, at iba pa. Noong una hindi naniniwala ang kanyang mga kaklase.
Humaba ang kanyang pagkwekwento tungkol sa kanyang mga damit at sa huli ay napaniwala
niya ito hanggang sa naging kaibigan niya ang mga ito.
Kakalasan
Isang araw
hindi na pumasok ang batang babae hanggang sa mga sumusunod na araw at umabot
pa ng lingo. Nagtataka sabay na pag-aalala ang kanyang mga kaklase at guro.
Wakas
Nagpasya sila na puntahan sa kanilang
bahay ang batang babae. Bumungad sa kanila ang batang babaeng payat na may
sakit at ang ina nitong mahirap. Pumasok sila sa luma at sira-sirang bahay ng
batang babae at doon nila natagpuan ang isang daang damit ng batang babae na
kanyang kinukwento at pinagmamalaki sa kanila. Isang daang damit na nakadrawing
lang pala sa isang papel at nakadikit sa dingding.
Tunggalian
Tao laban sa tao- pinapakita
sa kwento kung paano tratuhin ang batang babae ng kanyang mga kaklase. Siya ay
parating nilalait dahil siya ay mahirap lamang at parating suot ang luma na
damit.
D. Teoryang Pampanitikan
Teroyang Marxismo- pinapakita
sa kwento ang pagkakaiba ng mayayaman sa mahihirap. Katulad na lamang sa kwento
na ang mga mayayaman ay nakasuot ng mga magaganda at mamahaling damit. Samantala
ang mga mahihirap ay nakasuot lamang ng lumang damit. Ang mga mayayaman rin ay
nakakain ng masasarap na pagkain, samantala ang mahihirap ay kakarampot na
tinapay lang ang kinakain.
Teoryang Realismo- pinapakita
sa kwento kung paano rin mamuhay ang mga mayayaman at mahihirap sa totoong
buhay.
Teoryang Klasismo - pinapakita
rin sa kwento ang ibat-ibang uri ng tao. Na sa mundong ito ay mayroong
mahihirap at mga mayayaman.
E. Napulot na Aral
Maging
totoo sa sarili at sa kapwa. Hindi natin kailangan iplease ang ibang tao upang
tayo ay matanggap nila, at mas lalong hindi natin kailangan magsinungaling para
tayo ay matanggap nila. Hindi rin dapat manukso o manlait sa ibang tao porket
ikaw ay mas nakakaangat sa buhay at sila ay mahirap lamang. Hindi dapat tayo
mang-apak at manliit ng ibang tao dahil sa kanilang kalagayan. Hindi rin dapat
tayo mandiri sa kanila dahil tao rin sila at nasasaktan din. Bagamat atin
silang tulungan at unawain sa kanilang sitwasyon. Kung wala ka namang magandang
sasabihin, tumahimik ka nalang.
No comments:
Post a Comment