Ang kalupi ni Benjamin Pascual- suriing basa. May akda; Tauhan; Tagpuan; Gitna; Wakas; Mga Aral
Thursday, October 17, 2019 || Aron Armada; Patricia Bensorto
Ang Kalupi
May akda: Benjamin Pascual
Siya
ay ipinanganak sa Lungsod ng Laoag, Ilocos Norte. Isa siyang kuwentista at nobelista.
Marami na siyang naisulat na maikling kuwento sa wikang Ilokano at nakasulat na
rin ng dalawang nobela sa wikang ito. Naisalin niya sa wikang Ilokano ang
Rubaiyat ni Omar Khayam. Magkasama sila ni Jose Bragado na nag-edit ng
Pamulinawen, isang antolohiya ng mga tula ng 36 na makatang Ilokano. Siya ang
Tagapayong Legal ng GUMIL, Metro Manila.
A. Tauhan
Aling Marta- siya
ay isang ina na hangad lamang ay makapaghanda ng selebrasyon para sa kanyang
anak na magtatapos ng hayskul. Ngunit siya ay mapanghusgang tao, sinungaling,
mainitin ang ulo at nagmamarunong pa kaysa sa mga polisya.
Andres
Reyes- Siya ang batang napagbintangan na
magnanakaw. Siya ay isang mahirap, walang pinag-aralan at walang permanenteng
tirahan.
Dalagang Anak ni Aling Marta- siya
ang selebrante na pinaghahandaan na selebrasyon ni Aling Marta dahil siya ay
magtatapos ng hayskul.
Mga Pulis-
sila ang nagimbestiga sa kaganapan.
Asawa ni Aling Marta-
Siya ang kumuha ng pitaka ni Aling
Marta ng walang paalam. Siya ay matiyagang nagtratrabaho para sa kanilang
pamilya dahil siya ang Ama ng tahanan.
Aling Godyang-
siya ang inutangan ni Aling Marta para makabili ng panghanda. Siya ay isang
tindera.
B. Tagpuan
Palengke
ng tondo- kung saan namimili si Aling Marta
bahay
nila Aling Marta- isang barung-barong na tinitirhan
ng pamilya nila Aling Marta.
kalsada
malapit sa outpost- kung saan kinausap
ng pulis si andres at ang lugar kung saan namatay ang bata.
C.
Banghay
Panimula
Masaya ang araw na yon dahil
magtatapos na sa hayskul ang anak ni Aling Marta. Kaya siya ay naghanda para sa
kanilang selebrasyon. Habang si Aling Marta ay namamalengke, biglang nawala ang
kanyang pitaka, at sa paghinalang ito’y dinukot ni Andres na isang batang mahirap
at gusgusin.
Gitna
Saglit na kasiglahan
Nabuhayan
ng loob si Aling Marta nang makita niya ang pinaghihinalaang batang lalaki at
tinulungan siya ng mga pulis.
Kasukdulan
Sinaktan
ni Aling Marta si Andres dahil hindi ito umaamin na siya ang dumukotsa pera at
si Andres ay pumipiglas upang ito ay makawala. Nang makahanap ng tiempo,
tumakbo ang si Andres at siyay nabundol. Hanggang sa huling hininga nito ay
sinabi niyang malinis ang kanyang konsensya at hindi siya ang dumukot ng
pitaka.
Kakalasan
Hindi
nakaimik si Aling Marta, hindi makapaniwala at siyay nababahala sa kahinatnan
ng nangyari.
Wakas
Siya
ay nangutang kaya Aling Godyang ng sa gayon ay makabili ng
panghanda. Pagkauwi niya sa kanilang bahay, laking pagtataka ng kanyang asawa
at anak kung saan ito nakuha an gang pambili kung naiwan naman nito ang kanyang
pitaka sa bahay.
Tunggalian
Tao laban sa tao- dahil
pinapakita sa kwento kung paano pagbintagan at saktan ni Aling Marta si Andres.
Si Andres na wala naman talagang ginawang masama at malinis ang konsensya.
Tao laban sa lipunan- makikita
sa kwento kung gaano kahirap para kay Andres na paniwalaan agad ng mga tao na
hindi niya talaga ninakaw ang pitaka. Dahil sa kanyang estado sa buhay at
kalagayan, hinuhusgahan na agad siya ng lipunan.
D. Teoryang Pampanitikan
Teoryang
Realismo- dahil ang kwento ay nagpapakita rin
kung ano ang nangyayari sa totong buhay. Pinapakita sa kwento ang ilang mga
bagay o sitwasyon na nararanasan ng mga taong kagaya ni Andres. Mahirap kunin
ang hustisya at hindi agad naniniwala ang mga tao sa kanya.
Teoryang
Siko-Analitikal- dahil aminin man
natin o hindi, may pagkakataon din na hindi natin maiwasan mag-isip o manghusga
ng ibang tao dahil sa kanilang kalagayan sa buhay. Pinapapakita sa kuwneto kung
paano mag-isip ang mga tao na nakakaangat sa buhay, sa kapwa taong mahirap ang
estado sa buhay. Kagaya na lamang ni Aling Marta kay Andres na nag-isip agad ng
masama dahilan upang humantong ito sa hindi kanais-nais na pangyayari.
Teoryang
Humanismo- nakapokus rin ang kwento sa tao. Pinapakita
sa kwento kung ano ang mga katangian, kakayahan ng tao, kung paano mag-isip mga
tao. Kagaya nalamang kina Aling Marta at Andres.
E. Napulot na Aral
Ang aking natutunan ay hindi dapat
manghusga agad ng tao dahil lang sa sila ay mahirap at madungis. Hindi sapat na basehan ang kaanyuan ng tao
para sila ay husgahan agad. Hindi naman lahat ng tao na walang pinag-aralan at
mahirap ay gumagawa na ng immoral na mga bagay para lang makakain. Magtanong
muna at hayaan ang awtoridad na gawin ang kanilang trabaho, huwag
magmamarunong. Tandaan, truth will always prevail.
Salamat po Ate! Nakakatulong po itong blog sa aking takdang-aralin.
ReplyDeleteHAHHAHAHAHAHA :D
Delete